Lalaki, patay matapos pagbabarilin habang natutulog

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Nov 11 2018 07:46 AM | Updated as of Nov 11 2018 08:15 AM

MANILA - Patay ang isang di pa kilalang lalaki matapos pagbabarilin sa Building 15 sa temporary housing sa Tondo, Maynila.

Ayon Kay Lilian Lamusao, building coordinator ng lugar, nakarinig sila ng limang putok ng baril at natakot sila. Nang lapitan ang bahay, nakita na duguan ang isang lalaki na patay na.

Hinala ng pulis, pinagbabaril ang lalaki habang siya’y natutulog. Hindi pa kilala ang biktima at ayon kay Lamusao, bagong salta lang ang lalaki sa barangay at matagal ng abandonado ang bahay.

Inaalam na ng pulis ang pagkakakilanlan ng biktima at kung sino ang mga salarin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.