Ikalawang Linggo ng 2018 Bar exams, nagwakas na

Ron Lopez, ABS-CBN News

Posted at Nov 11 2018 10:08 PM

Nagwakas na ang ikalawang Linggo ng 2018 Bar examinations na isinagawa sa University of Santo Tomas sa Maynila.

Halos pare-pareho ang naging reaksyon ng mga examinees ukol sa pagsusulit ngayong araw: mahirap at matagal lalo na't ang taxation law ang itinuturing ng ilan na pinakamahirap sa lahat.

Samantala, si retired Col. Ibarra Mariano na isa sa mga pinakamatandang examinees sa edad na 87, ay hindi umano alintana ang mahabang oras ng pagsasagot.

Aniya, noong 1967 pa siya nakatapos ng abogasya pero noong 1995 lang unang sinubukang mag-exam matapos ang retirement at naniniwala siyang maipapasa niya ang pagsusulit sa ikalawang pagkakataon.