Presyo ng petrolyo, tataas ulit

ABS-CBN News

Posted at Nov 11 2017 10:08 PM

Watch more in iWant or iWantTFC

Nagbabadya muling tumaas ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Maglalaro sa P0.90 hanggang P1 kada litro ang magiging dagdag sa presyo sa gasolina.

Tinataya ring nasa P0.50 hanggang P0.60 kada litro ang imamahal ng diesel.

Sa kerosene, P0.90 hanggang P1 ang magiging dagdag sa presyo kada litro.

Tinatayang dagdag sa presyo sa petrolyo

Gasolina – P0.90-P1.00/litro
Diesel – P0.50-P0.60/litro
Kerosene – P0.90-P1.00/litro

Noong nakaraang linggo lamang, nagtaas din ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.