Lider ng Myanmar, Cambodia, dumating na sa bansa para sa ASEAN Summit

ABS-CBN News

Posted at Nov 11 2017 10:37 PM

Watch more in iWant or iWantTFC

Nagsimula nang dumating ang ilang world leaders para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa bansa. 

Dumating si Cambodian Prime Minister Hun Sen Sabado ng hapon.

Agad inilatag ang red carpet paglapag ng eroplano at binigyan siya ng arrival honors. 

Sinalubong din siya ng sayaw ng mga estudyante mula Pampanga at Bulacan.

Pasado alas-2 ng hapon naman nang dumating si Myanmar State Counsellor Aung San Suu Kyi.

Kabilang sa mga sumalubong sa dalawang lider ang ilang lokal na opisyal sa pangununa nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Matinding traffic, binuno ng mga motorista

Pero kasabay nito, nakaranas ang mga motorista ng mabagal na daloy ng trapiko, matapos isara ang tig-dalawang lanes sa kahabaan ng EDSA northbound at southbound para sa foreign delegates.

Nakakalat naman ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para umalalay.

Payo nila, dumaan sa mga alternatibong ruta para iwas-trapik.

-- Ulat ni Bettina Magsaysay, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.