PatrolPH

Bahagi ng Cuneta Astrodome nasunog; mga COVID-19 vaccine naisalba

ABS-CBN News

Posted at Nov 10 2021 01:41 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Nasunog ang parte ng Cuneta Astrodome, na isang vaccination site, sa Pasay City nitong Miyerkoles. 

Ayon sa Bureau of Fire and Protection ng siyudad, nagsimula ito sa mezzanine area ng gusali bandang alas-8:18 ng umaga. 

Agad na iniakyat sa ikalawang alarma ang sunog pero under control na ito ngayon. 

Ayon kay City Health Office Dr. Grace Noble, walang napinsalang mga bakuna dahil agad na nailipat ang 500 doses nito sa isa pang vaccination site. 

Alas-9 ng umaga dapat magsisimula ang bakunahan sa lugar nang mangyari ang sunog. 

— May mga ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.