Pabuya sa mga barangay sa Maynila na walang naitalang COVID-19, itutuloy

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Nov 10 2020 05:52 AM

MAYNILA - Itutuloy ng Manila City government ang pagbibigay ng cash incentive sa mga barangay ng lungsod na walang naitalang kaso ng COVID-19 sa loob ng dalawang buwan. 

Nitong Lunes, milyon-milyong piso ang ibinigay sa mga barangay na nakapagtala ng zero cases mula September 1 hanggang October 31. 

Sa halos 900 na mga barangay sa lungsod, 73 lang ang pasok sa zero covid cases ng dalawang buwan. 

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, kung walang bagong COVID-19 cases sa barangay mula December 1 hanggang January 31 sa susunod na taon, makatatanggap ang barangay ng P100,000.

Ito'y upang mahikayat aniya ang mga barangay na paigtingin pa ang kanilang pag-iingat lalo na't ipagdiriwang ang Pasko at ilulunsad ang Pista ng Sto. Niño at Pista ng Quiapo sa darating na Enero.

May 508 na mga aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod sa ngayon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.