Lineman sa Albay patay sa pagkahulog habang nag-aayos ng kuryente

ABS-CBN News

Posted at Nov 10 2020 07:42 PM | Updated as of Nov 11 2020 08:23 AM

Patay ang isang lineman ng Albay Power and Energy Corporation (APEC) matapos siyang mahulog mula sa poste habang nagkukumpuni ng kuryente. Retrato mula kay Reina Banas Lazo

DARAGA, Albay — Patay ang isang lineman ng Albay Power and Energy Corporation (APEC) matapos siyang mahulog mula sa poste habang nagkukumpuni ng kuryente. 

Dinala pa sa ospital si Hermes Mayor, 53, pero binawian rin ng buhay dahil sa mga sugat na tinamo mula sa pagbagsak.

Ayon kay Lesley Capus, tagapagsalita ng APEC, nahulog sa hagdan si Mayor habang nag-aayos ng linya ng kuryente sa Doña Maria Subdivision.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng APEC sa dahilan ng pagkahulog ni Mayor sa hagdan.

Siniguro naman ng APEC ang tulong-pinansiyal sa naulilang pamilya ni Mayor.

Samantala, patuloy ang power restoration na isinsagawa ng APEC sa Albay na sinimulan matapos ang pananalasa ng mga bagyong Quinta at Rolly.

Sa ngayon, mahigit 300 mga lineman ang tumutulong na sa line at road clearing operation ng APEC mula sa iba't ibang electric cooperatives ng Eastern Visayas at maging Meralco.

—Mula sa ulat ni Karren Canon

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.