PatrolPH

Pagawaan ng candy sa Taytay nasunog; pinsala aabot sa P10 milyon

ABS-CBN News

Posted at Nov 10 2018 04:11 AM | Updated as of Sep 30 2019 02:56 PM

Watch more on iWantTFC

RIZAL - Sumiklab madaling araw ng Sabado ang sunog sa isang pagawaan ng candy sa Barangay San Juan, Taytay, Rizal.

Ayon sa trabahador na si Noel Cervantes, sumiklab umano ang linya ng kuryente sa mezzanine area ng pagawaan. 

Dito na niya tinawag ang security guard at ginising ang mga katrabahong natutulog. 

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na tumagal nang tatlong oras. Idineklarang fire out bandang 5:41 ng umaga ng Sabado. 

Tinatayang lagpas P10 milyon ang halaga ng mga factory equipment, makina, materyales, at finished products ang natupok ng apoy. 

Iniimbestigahan naman kung may paglabag na ginawa ang pamunuan ng kompanya. 

Napag-alaman ding "for compliance" pa lang ang kompanya sa fire safety inspection certificate. Wala pang pahayag ang may-ari kaugnay sa insidente. 

-- Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.