Dating PBA coach, arestado sa pagpapaputok ng baril sa Makati

Ron Lopez, ABS-CBN News

Posted at Nov 10 2018 12:14 AM | Updated as of Nov 10 2018 02:01 AM

MAYNILA - Arestado ang dating PBA coach at negosyanteng si Dante Silverio matapos magpaputok ng baril sa Makati City nitong Biyernes.

Ayon kay Makati Assistant Chief of Police Gideon Ines, nabulabog ang Ecology Village sa Barangay Magallanes matapos ang walang pakundangang magpaputok si Silverio sa lugar kaninang bago mag-tanghali.

Sinubukang tumakas ng 81-anyos na suspek sakay ng kaniyang kotse kaya't nagsagawa ng follow-up operation ang Makati Police at natunton si Silverio sa kaniyang opisina sa Don Chino Roces Extension.

Dinala na sa Makati Police Station ang suspek na kakasuhan ng alarm and scandal. Wala namang nasaktan sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.