PatrolPH

Buhawi nanalasa sa isla sa Zamboanga City

ABS-CBN News

Posted at Nov 09 2021 09:40 PM

Kuha ni Myrna Dapii
Kuha ni Myrna Dapii

ZAMBOANGA CITY — Ilang bahay ang nasira matapos manalasa ang isang buhawi sa Pasilmanta Island sa Zamboanga City, Martes ng hapon.

Ayon sa ulat ng local government, limang bahay, dalawang bangka at isang madrasa ang nasira dahil sa lakas ng hangin. Ang nasirang madrasa ay ginagamit bilang paaralan sa isla.

Natumba din ang mga puno ng saging dahil sa hangin. Wala namang iniulat na nasaktan sa pangyayari. 

Ayon sa guro sa Manicahan NHS Pasilmanta Annex, kakatapos lang ng distribution of modules nang mangyari ang insidente. 

Pansamantalang nakatira sa kanilang mga kamag-anak ang mga residente na nawalan ng bahay. 

Nakararanas ng sama ng panahon ang buong lungsod dahil sa tail end of cold front. 

—Ulat ni Leizel Lacastesantos

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.