4 kabataan arestado sa pagnanakaw ng cellphone ni Labor chief Bello

ABS-CBN News

Posted at Nov 09 2020 08:50 AM | Updated as of Nov 09 2020 07:13 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Arestado nitong Linggo ang 4 na kabataang humablot ng cellphone ni Labor Secretary Silvestre Bello noong Biyernes, ayon sa pulisya.

Tatlo sa suspek ay menor de edad habang isa ay 18 anyos. Sasailalim ang mga menor de edad sa evaluation ng social welfare department kung mayroon na silang discernment o kakayahan na malaman kung tama o mali ang kanilang ginagawa bago sampahan ng kaso.

Nahuli ng Manila Police District ang mga suspek sa may Lawton kung saan nahablot ang cellphone ni Bello habang nakababa ang bintana ng sasakyan.

Ayon sa mga suspek, may isa pa silang kasama na nasa likod ng pagnanakaw.

Nakausap na rin ng pulisya ang magulang ng ilan sa menor de edad.

Ang isang suspek, 17 anyos, ay may nakaraan nang record ng robbery-snatching.

--Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.