10 bahay natupok sa Marikina City; 18 pamilya nawalan ng tirahan

ABS-CBN News

Posted at Nov 09 2020 09:56 PM

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection-Marikina, unang sumiklab ang apoy sa kusina ng isang bahay hanggang sa mabilis na kumalat sa mga katabing tahanan. Larawan mula sa BFP

MAYNILA — Sampung bahay ang natupok sa naganap na sunog sa Bukang Liwayway Street, Barangay Tumana sa Marikina City nitong Lunes ng gabi.

Watch more in iWantTFC

Nagsimula ang sunog pasado 6:20 ng gabi at umabot sa ikalawang alarma.

Tuluyan itong naapula ganap na alas-7 ng gabi.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection-Marikina, unang sumiklab ang apoy sa kusina ng isang bahay hanggang sa mabilis na kumalat sa mga katabing tahanan. 

Pansamantalang mananatili sa covered court ng barangay ang 18 pamilyang naapektuhan.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog at halaga ng mga ari-ariang tinupok.

—Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.