Pacquiao, namahagi ng tulong sa mga biktima ng lindol sa Cotabato

ABS-CBN News

Posted at Nov 09 2019 07:07 PM | Updated as of Nov 09 2019 07:28 PM

Namahagi ng relief goods at iba pa si Sen. Manny Pacquio sa mga evacuation center ng Cotabato. 


MANILA—Nagbigay ng tulong si Sen. Manny Pacquiao nitong Sabado sa mga biktima ng lindol sa Cotabato.

Namahagi ng relief goods at iba pa si Pacquiao sa mga evacuation center ng probinsya.

Natuwa ang ilang mga bakwit, na nagpa-selfie sa senador.

Una nang nanawagan ng tulong para sa mga naapektohan ng lindol ang Manny Pacquiao Foundation. 

Isa sa mga tumugon sa panawagan ay ang presidente ng Ultimate Fighting Championship na si Dana White, na magbibigay ng $10,000.

Sunod-sunod na pagyanig ang naranasan ng Mindanao nitong Oktubre, na nagdulot ng higit sa 10 na pagkamatay at higit 100 na sugatan.

—Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.