Jail officer patay sa pamamaril sa Bacolod City

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Nov 09 2019 10:11 AM | Updated as of Nov 09 2019 08:07 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Patay ang isang jail officer habang sugatan naman ang isa pa matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin ang kanilang sasakyan sa Bacolod City, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si JO1 Jayvee Jason Vargas, 28, habang sugatan naman si Gian Philip Yoro, 25.

Ayon kay Bacolod City Police Office director Col. Henry Binas, sakay ng isang pick-up si Vargas kasama ang apat na iba pa.

Binabagtas ng grupo ang Barangay Cabug nang bigla na lang silang pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga salarin.

Tinamaan ng bala sina Vargas at Yoro habang hindi naman nasugatan ang kanilang mga kasama.

Patuloy na inaalam ng awtoridad ang motibo sa pamamaril at kung sino ang nasa likod ng pamamaslang.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.