Barker patay sa pamamaril sa Parañaque

ABS-CBN News

Posted at Nov 09 2019 01:26 PM

MAYNILA - Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga salarin sa Parañaque City, Biyernes ng gabi. 

Kinilala ang biktima na si Robert Asorina, 35, na nagtatrabaho bilang barker. 

Ayon sa spot report ng Parañaque City police, nakatayo si Asorina sa Dr. A. Santos Avenue nang pagbabarilin ng isang suspek na nakasakay sa isang kotse. 

Pinagbabaril ng tatlong beses ang suspek, na agad na namatay sa insidente. 

Matapos ang pamamaril, agad na kinuha ng mga salarin ang motorsiklo ng biktima na nakaparada sa gilid ng kalsada. 

Inilipat na ang bangkay ng biktima sa punerarya para isailalim sa autopsy. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.