Bahagi ng condo sa Mandaluyong nasunog

ABS-CBN News

Posted at Nov 09 2019 09:34 PM

MAYNILA—Isang sunog ang sumiklab sa isang palapag ng condominium sa Mandaluyong City Sabado ng gabi.

Ayon sa mga awtoridad, isang ulat ang natanggap nila alas-6:36 ng gabi na may sunog sa 17th floor ng Summit One Tower sa Barangay WackWack malapit sa Shaw Boulevard.

Sabi ni Fire Officer 1 Princess Cabauatan ng Mandaluyong City Fire Station, agad silang rumesponde at naapula ang apoy bandang alas-7:11 p.m.

Walang nasugatan sa sunog.

Inaalam naman ng mga awtoridad kung ano ang naging sanhi ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.