2 tiklo sa anti-drug ops sa QC

ABS-CBN News

Posted at Nov 09 2019 05:37 AM

MAYNILA—Arestado ang 2 lalaki sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City sa magdamag.

Nasamsam sa isang 28 anyos na suspek ang P34,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Lupang Pangako, Barangay Payatas.

Hinuli ang lalaki nang mabilhan siya ng P500 halaga ng droga sa loob ng kaniyang bahay.

Sa Barangay San Bartolome, Novaliches, narekober sa isang 43 anyos na suspek ang P68,000 halaga ng umano'y shabu.

Nakuhanan din ang lalaki ng isang shotgun at mga bala. Kabilang siya sa drugs watch list ng Novaliches Police Station.—Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.