ALAMIN: Mga kukumpunihing kalsada sa Metro Manila ngayong weekend

ABS-CBN News

Posted at Nov 09 2018 07:59 PM

Nag-abiso ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na kukumpunihin ang ilang kalsada sa Metro Manila simula alas-11 ng gabi ng Biyernes, Nobyembre 9. 

Matatapos ang road works alas-5 ng umaga Lunes.

SOUTHBOUND:

  • C-5 Road lagpas ng Lanuza Avenue
  • C-5 Road malapit sa SM Aura, 2nd outermost lane
  • EDSA Scout Albano, lagpas Scout Borromeo 3rd lane mula sa sidewalk
  • EDSA bago mag-Times Street bago mag-UCCP (1st lane)
  • Quirino Highway mula Villa Sabina hanggang Belton Drive, 1st lane
  • Quirino Avenue mula Belton Drive hanggang Vipra Street, sumasalisi sa Tandang Sora, 1st lane mula sa sidewalk
  • Visayas Avenue, mula sa intersection Road 1 , kalahati ng ika-2 at ika-3 lane mula sa sidewalk. 
  •  Commonwealth Avenue malapit sa Laura Street

NORTHBOUND:

  •  Batasan Road, Sinagtala Street, hanggang Litex Road, 5th lane
  •  Espana Boulevard (papuntang Quiapo) sa harap ng Ramon Magsaysay High School
  • Mindanao Avenue pagkatapos ng Tandang Sora Avenue truck lane

Magsasagawa rin ang Manila Water ng pavement restoration (one lane enclosure) sa ilang bahagi ng C-5 Road southbound simula alas-10 ng gabi Biyernes hanggang alas-5 ng umaga ng Lunes, partikular sa mga sumusunod:

  •  Sa harap ng Mossaico (1st and 2nd pavement block mula sa sidewalk) C-5 Road (southbound) 
  •  Sa harap ng Solace Spa (1st and 2nd pavement block mula sa sidewalk)

Magpapatuloy ang nasabing pavement restoration sa Nobyembre 16 hanggang 19. 

Magsasagawa rin ng pavement restoration works mula Nobyembre 23 hanggang 26 sa harap ng Wilcon Depot, C-5 Road southbound.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.