3 Lumad patay sa pamamaril, pananaga sa Agusan del Norte

Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Posted at Nov 09 2018 05:31 PM

Tatlong Lumad ang patay nang pagbabarilin at pagtatagain ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa bayan ng Buenavista, Agusan del Norte nitong Miyerkoles ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Alfredo Tomaquin Sr, Paca Pinatugaw, at Pina Pinatugaw na pumunta sa Barangay Simbalan para magtrabaho sa sakahan.

Pero hindi na umano sila nakauwi kaya hinanap ng kanilang pamilya. Dito na nadiskubre na pinatay ang tatlo.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima. May mga palatandaan din na pinagtataga sila.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng M16 at Carbine rifle.

Blangko pa ang awtoridad sa posibleng motibo sa krimen at kung sino ang salarin.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente..
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.