Sanggol, nalapnos ang balat sa sunog sa Isabela

Danielle Rebollos, ABS-CBN News

Posted at Nov 10 2016 12:46 AM

SANTIAGO CITY, Isabela - Sumiklab ang sunog sa bahay ng pamilya Benigno sa Barangay Sinsayon, Santiago City bandang alas-12 ng tanghali Martes.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa ang bahay sa light materials. Walang naisalbang gamit ang pamilya.

Ayon kay SFO1 Albert Timbal, Fire Safety Enforcement Division Chief ng Bureau of Fire Protection Santiago City, nagsimula ang sunog dahil sa napabayaang kandila. 

Gumagawa umano ang nanay ng project ng kaniyang anak kung saan tinutunaw ang krayola gamit ang kandila.

Nagtamo ng first-degree burn ang 3-buwang gulang na si Prince Agsinod na natutulog noon sa duyan.

Nalapnos ang kaliwang bahaging ng kaniyang mukha, dibdib, at iba pang bahagi ng katawan at kasalukuyan itong nasa intensive care unit ng isang ospital.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.