P200-K halaga ng ari-arian napinsala sa Makati warehouse fire

ABS-CBN News

Posted at Nov 08 2020 12:10 PM

Nasunog ang isang 3 palapag na gusali sa Barangay San Antonio, Makati noong gabi ng Nobyembre 7, 2020

MAYNILA — Aabot sa P200,000 ang halaga ng ari-ariang natupok matapos tamaan ng sunog ang isang warehouse ng tela sa Makati gabi ng Sabado.

Umabot hanggang sa ikatlong alarma ang sunog sa 3 palapag na gusali sa may Barangay San Antonio.

Ayon kay Restituto Cajes, chairperson ng barangay, base sa kuwento ng mga tenant ng gusali, may pumutok sa ikalawang palapag ng gusali na posibleng pinagmulan ng apoy.

Mabilis namang kumalat ang apoy dahil sa kahoy na flooring at nakaimbak na tela, ani Inspector Eduardo Labrador ng Bureau of Fire Protection-Makati.

Muntik ding ma-trap ang pamilyang naninirahan sa gusali.

"Natakot po kami. Wala nga po kaming nadalang gamit," sabi ni Joy Frijas, isa sa mga nakatira sa gusali.

Patuloy na inaalam ang pinagmulan ng sunog.

FROM THE ARCHIVES:

Watch more in iWantTFC

-- Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.