TINGNAN: Ilang bayan sa Apayao, binaha

Micaella Ilao, ABS-CBN News

Posted at Nov 08 2019 04:26 PM

Inilikas ang ilang mga pamilya mula sa kanilang mga lugar na binaha dahil sa bagyong Quiel. Larawan mula sa Apayao Police

Umabot sa 206 na pamilya ang apektado sa pagbaha dulot ng bagyong Quiel sa Apayao.

Nasa 76 pamilya naman ang inilikas at pansamantalang naninirahan ngayon sa mga evacuation center.

Nagpadala na ng ayuda ang Department of Social Welfare and Development sa lugar para sa mga apektadong residente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.