Sunog sumiklab sa palengke sa QC

ABS-CBN News

Posted at Nov 08 2019 08:02 AM | Updated as of Nov 08 2019 07:35 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA—Sumiklab ang sunog sa palengke ng Barangay San Isidro Galas, Quezon City Biyernes ng madaling-araw.

Nagsimula ang apoy alas-4:12 ng madaling-araw at kasalukuyang nakataas sa ikaapat na alarma, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Ayon sa mga nagtitinda, nakarinig sila ng sunod-sunod na putok bago lumaki at kumalat ang apoy.

Ilan sa mga stall ay nagtitinda ng paputok habang damay rin ang mga stall na may mga damit, plastik at styro.

Sugatan ang isang tao habang nahirapan namang huminga ang isa pa. Agad naman silang nilapatan ng paunang lunas.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.