Sekyu sa Dumaguete pinagbabaril ang kinakasama dahil sa selos

ABS-CBN News

Posted at Nov 08 2019 04:39 PM


DUMAGUETE CITY — Patay ang isang babae matapos siyang pagbabarilin ng live-in partner niyang security guard sa lungsod na ito noong Huwebes. 

Sa imbestigasyon ng pulisya, magkasama pang nag-inuman ang mag-partner nang bigla silang magtalo.

Nag-ugat ang bangayan sa selos, pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay nauwi ito sa trahedya. 

Tatlong tama ng bala sa leeg, dibdib, at likod ang tinamo ng babae. 

Gamit ng suspek ang kalibre .38 revolver niyang service firearm. 

Sumuko naman sa pulisya ang suspek.

Kasong homicide ang hinahanda laban sa security guard.


—Ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.