OFW sa Cambodia nakuhanan ng higit P40-M halaga ng shabu sa NAIA

ABS-CBN News

Posted at Nov 08 2019 03:57 PM | Updated as of Nov 08 2019 07:45 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Arestado nitong Biyernes ang isang Pinay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos siyang makuhanan ng 6 kilo ng shabu sa kaniyang bagahe.

Mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang sumalubong sa suspek na si Marie Ruzol nang lumapag siya sa NAIA terminal 3 mula Cambodia nitong madaling araw. 

Nakasilid sa mga tea foil pack ang droga na aabot sa P40.8 milyon ang halaga.

"When it was subjected to x-ray scanning, our operatives found suspected items. It was subjected to 100 percent physical examination. These items were found," ani Atty. Marlon Agaceta, law division chief ng BOC-NAIA .

Nobyembre 5 nang umalis ng Pilipinas papuntang Cambodia si Ruzol.

Ayon kay Ruzol, 8 taon na siyang nagtatrabaho bilang account manager sa isang advertising agency sa Cambodia.

"Sa nakuha nating pertinent documents, according to her, OFW (overseas Filipino workers) siya, may work permit siya doon. We will validate these information," ani Gerald Javier, hepe ng PDEA-NAIA. 

Ayon kay Ruzol, isang kapwa Pinay din umano ang nag-empake ng kaniyang gamit pero hindi ito sumama pauwi ng bansa.

"Ang Cambodia, being a member of the [drug] triad, is really a high-risk country. Ginagamit po kasi 'yang transshipment point," sabi ni Javier. 

Sinampahan na ng reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Customs Modernization and Tariff Act ang suspek.


—Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.