ALAMIN: Mga kalsadang kukumpunihin sa Kamaynilaan, Nobyembre 8-11

ABS-CBN News

Posted at Nov 08 2019 04:02 PM

MAYNILA - Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority na magkakaroon ng road reblocking o pagkukumpuni sa piling lugar simula alas-11 ng gabi ng Nobyembre 8. 

Magtatagal ito hanggang alas-5 ng umaga ng Nobyembre 11, Lunes. 

Narito ang mga apektadong lugar: 

SOUTHBOUND:

  • EDSA Camp Crame Gate hanggang pagkatapos ng Annapolis St. (katabi ng MRT)
  • EDSA pagkatapos ng Muñoz hanggang Bansalangin St. (unang lane mula sa bangketa)
  • G. Araneta Bayanin intersection

WESTBOUND:

  • Quirino Highway Nightingale hanggang Zabarte Road (looban na lane)
  • General Luis St. mula Samonte St. hanggang SB Road

EASTBOUND:

  • Elliptical Road pagkatapos ng Maharlika St. (ikaanim na lane mula sa labasang sidewalk)

NORTHBOUND:

  • A. Bonifacio Ave. malapit sa Marvex Drive (ikalawang lane mula sa bangketa)
  • Katipunan Ave./C-5 pagkatapos ng CP Garcia St. kaharap ng UP Town Center (truck lane)
  • EDSA pagkatapos ng Aurora Blvd. hanggang New York St. (ikatlong lane mula sa bangketa)
  • Congressional Ave. Ext. cor Luzon Ave. (ikalawang lane mula sa center island) at pagkatapos ng Tandang Sora Ave. (truck lane)
  • Luzon Ave. pagkatapos ng Congressional Ave. Ext. (unang lane mula sa center island)
  • R. Magsaysay Blvd. pagkatapos ng Magsaysay Bridge papuntang Quiapo (loobang lane)

Payo ng MMDA na maghanap ng mga alternatibong ruta at iwasan ang mga nabanggit na kalsada. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.