MAYNILA—Arestado ang 3 lalaki sa buy-bust operation sa Barangay Novaliches Proper, Quezon City Huwebes ng gabi.
Nasamsam sa mga suspek ang 2 kilo ng hinihinalang marijuana na may street value na P240,000.
Ayon kay Police Lt. Elmer Rabana ng Kamuning Police Station, ikinasa ang operasyon matapos nilang mapag-alamang ibinebenta ang droga sa pamamagitan ng social media.
"Nag-evolve po 'yong kanilang [pagbebenta]. Sa street selling kasi, malaki items. Kaya online pagdating sa area abutan na lang," aniya.
Inamin ng isang suspek na nagawa niya ito dala ng kahirapan.
"Nagipit lang po talaga ako, para sa pamilya ko," aniya.
Umaasa ang pulisya na hihigpitan ng social media platforms ang kanilang mga patakaran dahil nagagamit umano ito sa ilegal na transaksiyon.—Ulat ni Dexter Ganibe at Kevin Manalo, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Tagalog news, crime, drugs, buy-bust, marijuana, arrest, pusher, peddler, dealer, social media, Quezon City, QC, TV PATROL