2 patay sa pagguho ng lupa sa Apayao

Micaella Ilao, ABS-CBN News

Posted at Nov 08 2019 12:47 PM

BAGUIO CITY - Patay ang isang pulis at board member matapos matabunan ng lupa ang tinutuluyan nilang bahay sa Cabugao, Apayao, Huwebes ng gabi dahil sa paguulan.

Sa report ng Regional Disaster Risk Reduction Unit ng Cordillera, nakitulog lang daw ang mga biktima matapos ang kanilang immersion sa lugar.

“Initially, they are engaging in barangay consultation and then inabot sila doon ng malakas na ulan. Nagpahinga sila sa isang bahay and then yung bahay nila was hit by landslide,” ayon sa regional director ng RDRRMC na si Albert Mogol.

Kukunin daw ang mga bangkay mula sa Cabugao para dalhin sa bayan ng Calanasan.

“We already contacted the tog 1 (Air Force tactical operations group) para sa airlifting nung mga bangkay,” dagdag ni Mogol.

Isa ang Apayao sa mga naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Quiel.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.