P2P bus mula NAIA hanggang Alabang at Laguna umarangkada na

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Nov 08 2018 02:41 PM

MANILA - Inilunsad ng Ube Express ang panibagong ruta ng Point to Point bus (P2P), Huwebes, upang mapabilis ang biyahe ng ilang pasahero mula at papunta sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). 

Sa ilalim ng bagong ruta, magsasakay ang P2P bus mula sa NAIA papuntang Alabang, Muntinlupa at Santa Rosa, Laguna.

Sa Alabang Town Center at Ayala Malls South Park ang terminal sa Muntinlupa habang sa Nuvali Estate o Robinsons Santa Rosa naman ang terminal sa Laguna.

Aabot sa 45 minuto ang biyahe mula NAIA hanggang Alabang habang isa't kalahating oras naman mula sa paliparan hanggang Laguna.

Ang pamasahe papunta sa Alabang ay P110, habang P190 naman sa Laguna.

Gaya ng ibang P2P, may wifi, CCTV, at fully air-conditioned ang mga bus.