Mga frontliner binigyang-pugay sa pagpailaw ng Christmas tree sa Bulacan

Johnson Manabat, ABS-CBN News

Posted at Nov 07 2020 02:55 AM | Updated as of Nov 08 2020 01:22 PM

MAYNILA - Pinailawan sa city hall ng San Jose del Monte, Bulacan, ang isang higanteng Christmas tree para sa nalalabing selebrasyon ng Pasko at para na rin sa mga medical frontliner ng bansa.

Pinailawan pasado alas-6 ng gabi Biyernes ang 35 talampakang taas na Christmas tree, na may lapad na 11 talampakan.

Nakasabit sa Christmas tree ang 112 angels. 

 

Ayon kay San Jose del Monte Mayor Arthur Robes, isa itong tribute sa lahat ng mga frontliner na hindi sumusuko sa pagseserbisyo sa mga pasyenteng tinatamaan ng COVID-19. 

Sa program, isa-isang pinakita ang larawan ng mga doktor at nurse bilang pagbibigay-pugay.

Ang city hall ay may palamuti na mga umiilaw na parol, pati ang mga puno sa lugar pinailawan din.

Ani Robes, taunan nilang tradisyon ang pagpapailaw ng Christmas tree at ngayong taon magsisilbi itong pag-asa sa kabila ng pandemic. 

Muli namang nagpaalala ang alkalde na patuloy na mag-ingat at sumunod sa minimum health protocols kontra COVID-19. 

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.