DFA magbibigay-tulong sa mga OFW na maaapektuhan ng pagtatanggal ng Kafala sa Saudi

Joyce Balancio, ABS-CBN News

Posted at Nov 07 2020 03:21 AM

Ilang OFWs sa Ninoy Aquino International Airport, Pasay City. Reuters/File

MAYNILA - Nagpaalala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga OFW sa Saudi Arabia na gustong umuwi ng bansa na dapat dumaan pa rin sila sa tamang proseso sa oras na mawala na ang Kafala system doon.

Ang Kafala ay ang tradisyunal na sponsorship system na ipinatutupad sa maraming bansa sa Middle East kung saan hindi maaaring basta makapagbiyahe o lumabas ng bansa ang isang OFW kung hindi ito papayagan ng kaniyang employer. 

Sabi ni DFA Usec. Sarah Arriola nitong Biyernes, kalimitang nagreresulta ito sa pahirap sa mga OFW, lalo na sa household service workers na iniipit ng employers. 

Mababago na ang sistema pagsapit ng March 2021, at handa naman magbigay ng assistance ang DFA sa mga OFW na gustong umuwi ng bansa. 

“Ang start po kasi nito March 14, 2021. Iyong reforms na kailangan po dumaan po kayo ng POEA para masipat po talaga ng gobyerno iyong kontrata ninyo, para kapag nagkaroon po ng problema kaya po natin ipaglaban," ani Arriola.

"Huwag po tayo dumaan sa illegal na paraan, huwag po tayong mag-shortcut. Kailangan po makita po ng POEA ang inyong mga kontrata at ma-approve para kung magkaproblema po tayo, kaya pong ipaglaban ng ating pamahalaan iyong mga karapatan ninyo."

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.