PatrolPH

Pulis patay sa pamamaril sa Masbate

ABS-CBN News

Posted at Nov 07 2019 10:45 PM

MANILA - Isang pulis ang patay sa pamamaril sa bayan ng Batuan sa Masbate nitong Huwebes.

Kinilala ang biktima na si Police. MSgt. Oscar Alegada, 43, ng Batuan Municipality Police Office.

Ayon sa pulisya, may kinakausap sa tabi ng isang highway sa Barangay Canvañez si Alegada, nang bigla na lang siya nilapitan ng isang hindi pa kilalalang salarin at pinagbabaril sa ulo.

Agad nakatakas ang salarin, na tinutugis na ng pulisya.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.