MAYNILA - Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagpalutang sa posibleng pagpapatupad ng nationwide plastic ban kasunod ng tumitinding usapin ng climate change sa iba't ibang panig ng mundo.
Nangyari umano ito sa pagpupulong nina Duterte at mga miyembro ng gabinete noong Miyerkoles, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.
"The President floated the idea to ban the use of plastics, which according to him would require legislative action," ani Panelo.
May 2 panukala sa Senado ukol sa pagbabawal sa paggamit ng single-use plastics.
Sa huling pag-aaral ng grupong Global Alliance for Incinerator Alternatives, may 60 bilyong piraso ng sachets at 34 bilyong piraso ng plastic bags ang binabasura sa Pilipinas kada taon.
—May ulat mula sa Reuters
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.