Nagkaaberyang fastcraft, sinaklolohan ng coast guard

ABS-CBN News

Posted at Nov 07 2019 04:01 PM

Patuloy na nagsasagawa ng rescue operation ang Philippine Coast Guard station sa Central Visayas para sa mga pasahero ng nagkaaberyang MV Princess Siargao. Larawan mula sa Philippine Coast Guard Central Visayas

Agad na rumesponde ang Philippine Coast Guard sa isang fastcraft na nagkaaberya sa gitna ng dagat sa may Sibonga sa Cebu, Huwebes ng tanghali.

Ayon sa PCG Station sa Central Visayas, rumesponde sila sa distress call ng MV Princess Siargao pasado alas-12 ng tanghali.

Sa report na natanggap ng coast guard, tumirik umano sa gitna ng dagat ang fastcraft dahil sa malalakas na alon.

May sakay na 53 pasahero at pitong crew ang fastcraft na galing sa Loon, Bohol at dadaong sana sa Southern Cebu nang magkaaberya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.