Arestado ang isang lalaki matapos magbayad ng pekeng pera para makabili ng alak at sigarilyo sa Jaro, Iloilo.
Kinilala ang suspek na si Edmond Dela Torre, na gumamit umano ng P500 para magbayad sa isang sari-sari store nitong Lunes ng hapon.
Agad na isinumbong ng may-ari ng tindahan ang suspek nang mapagtantong peke ang ibinabayad nitong pera.
Umabot sa P48,500 halaga ng pekeng pera ang narekober umano sa suspek nang inspeksiyunin matapos maaresto, ayon sa mga awtoridad.
Lumantad pa sa imbestigasyon na ipinopost daw ng suspek sa kaniyang social media account ang mga salapi.
Paliwanag ni Dela Torre, sa Quezon City niya binibili ang pekeng pera.
Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas - Iloilo na suriin nang mabuti ang matatanggap na salapi.
Nahaharap sa kasong estafa, illegal possession and use of false treasury ang suspek.
-- Ulat ni Cherry Palma, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, DZMM, headline Pilipinas, alak, yosi, arrest, fake money, fake currency, regional news, regional stories