Lalaking manananghalian lang sana, patay sa pamamaril sa Negros Oriental

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Nov 07 2019 06:45 PM

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng dalawang suspek na lulan sa motor sa Bais City sa Negros Oriental nitong Miyerkoles.

Kinilala ang namatay na si Mars Balbuena, isang empleyado ng Bais City Government.

Sa imbestigasyon ng pulisya, pauwi sana sa kanilang bahay para mananghalian si Balbuena ng mangyari ang pamamaril.

Sinundan umano siya ng riding-in-tandem.

Dagdag ng pulisya, sinubukang tumakas ng biktima pero naabutan siya ng mga salarin bago siya barilin sa ulo.

Kinikilala pa ng mga awtoridad ang mga salarin at inaalam ang motibo ng krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.