Inuman nauwi sa pikunan: Lalaki patay nang pagtatagain ng kapatid

ABS-CBN News

Posted at Nov 07 2019 11:15 AM

Patay ang isang lalaki nang pagtatagain ng nakatatandang kapatid sa Cauayan City, Negros Occidental. 

Ayon sa imbestigasyon ng Cauayan City Police, nag-iinuman ang magkapatid noong Martes ng hapon nang mauwi ito sa pikunan. 

Hinampas ng biktima ng kahoy ang kaniyang kuya pero gumanti ito nang pagtatagain ang biktima. 

Sumuko na sa pulisya ang suspek. 

Ayon sa Cauayan PNP, nagpasya ang pamilya na huwag nang kasuhan ang suspek. 

-- Ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.