MAYNILA — Timbog noong Miyerkoles ng gabi ang isang lalaking pumaslang sa chemical engineering graduate sa loob ng isang motel noong Nobyembre 1.
Mismong ang live-in partner ng suspek na si Dennis Sauza ang nagtimbre sa opisina ni Manila Mayor Isko Moreno para maaresto ito.
Sa imbestigasyon ng pulisya, lumabas na pinatay ni Sauza ang biktimang si alyas "Caloy" matapos itong hindi tumupad sa usapang halaga ng bayad kapalit ng sexual service.
"Hindi po kasi nagkasundo sa presyong pinag-usapan namin na P2,000. Di ko po sinasadya," ani Sauza.
Natagpuan sa inupahang motel ang bangkay ni Caloy na may 15 saksak sa katawan at isang saksak sa ulo.
Nagtago ang suspek sa Biñan, Laguna pero natunton din ng Manila Police District (MPD) matapos palihim na isumbong sa Manila City Hall ng kaniyang kinakasama.
Umamin ang suspek na nakagamit siya ng ilegal na droga bago ang krimen.
Kinasuhan na ng robbery-homicide si Sauza.
Matinding galit naman ang nararamdaman ng pamilya ni Caloy lalo't pangarap pa daw nitong maging topnotcher sa board exam.
—Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, balita, krimen, homicide, Maynila, motel, sexual service, drugs, crime, Manila Police District, live-in partner, kinakasama, chemical engineering graduate, engineering graduate,TV PATROL