4 timbog, 10 babae nasagip sa spa raid sa Bacoor

ABS-CBN News

Posted at Nov 07 2019 02:30 PM | Updated as of Nov 07 2019 07:32 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Apat na tao ang naaresto ngayong Huwebes nang salakayin ng mga pulis ang isang spa sa Bacoor, Cavite, na umano'y pugad ng prostitusyon.

Sampung babae naman ang nasagip sa operasyon sa spa sa Barangay Panapaan IV bandang hatinggabi.

Kabilang sa mga naaresto ang kahera at room boy ng spa, at 2 parokyano.

Matapos magmasahe, nag-aalok umano ng extra service ang mga babae, ayon sa Bacoor police.

Ipinag-utos naman ng pamahalaang lokal ng Bacoor na ipasara ang establisimyento.

Sasailalim sa counseling ang mga nasagip na babae habang kakasuhan naman ang 4 na inaresto ng paglabag ng Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012.

—Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.