2 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa Marawi

Roxanne Arevalo, ABS-CBN NEWS

Posted at Nov 07 2019 09:21 PM | Updated as of Nov 07 2019 09:41 PM

Patay ang 2 lalaki at sugatan ang isa pa sa isang pamamaril sa Brgy. Emmie Punod sa Marawi City nitong Huwebes, Nob. 7, 2019.

MARAWI - Dalawang lalaki ang patay habang sugatan ang isa matapos sila pagbabarilin ng mga di pa kilalang suspek sa Barangay Emmie Punod sa lungsod na ito Huwebes.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jorge Butad at Arturo Macasero habang ang sugatan ay si Dave Morsua.

Ayon sa pulisya, galing sa bayan ng Matungao sa Lanao del Norte ang tatlo at pinara ng mga 'di kilalalang lalake. 

Nakipag-usap pa umano ang mga suspek saka sila binaril sa 'di malamang dahilan.

Patuloy ang pangangalap ng impormasyon ng mga pulis sa motibo ng pamamaril.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.