2 construction worker natabunan ng lupa, nasagip sa Baguio

Micaella Ilao, ABS-CBN News

Posted at Nov 07 2019 03:06 PM | Updated as of Nov 07 2019 06:46 PM

Nagtulong-tulong ang mga kasamahan ng dalawang construction workers para masagip sila matapos na matabunan ng lupa nang bumigay ang riprap na kinatatayuan nila sa Baguio City. Larawan mula sa video na kuha ni Justine Joy Buena.

BAGUIO CITY- Natabunan ng lupa ang dalawang lalaking nagtatrabaho sa isang construction site sa Camp 7, Kennon road sa Baguio City.

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa inisyal na imbestigasyon, naglalagay ng steel bars sina Neil John Fernandez at Glenn Fontano nang biglang gumuho ang riprap na kinatatayuan nila.

Pinagtulungan naman silang sagipin ng mga kasamahan at agad na isinugod sa Baguio General Hospital.

 
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.