PatrolPH

2 binatilyo timbog sa Davao City buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Nov 07 2019 06:46 AM

MAYNILA—Arestado ang 2 binatilyo sa buy-bust operation sa Don Juan Village, Barangay Ma-a, Davao City Miyerkoles ng hapon.

Narekober sa mga suspek na may edad 15 at 17 ang ilang pakete ng hinihinalang marijuana.

Kuwento ng mga binatilyo, napag-utusan lang umano silang magbenta ng droga para makalibre ng gamit nito.

Ituturn-over muna sila sa City Social Services and Development Office (CSSDO) habang ipatatawag ang kanilang mga magulang.—Ulat ni Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.