5 drug suspects patay sa engkwentro sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Nov 07 2016 06:20 PM

Patay ang limang drug suspect matapos umanong mauwi sa engkwentro ang sana'y pagsisilbi ng search warrant sa Norzagaray, Bulacan.

Dead on the spot sina Richard Calonzo alyas White, Angel Ibano, Levi Mateo, Chito Talento at isang alyas Neneng Boxer matapos umanong makipagbarilan sa mga operatiba.

Ayon kay Superintendent Rizalino Andaya, hepe ng Norzagaray police, nahuli sa aktong nagsa-shabu ang lima mang isisilbi na ang search warrant sa isang bahay sa Block 22, Barangay Friendship Village.

Narekober mula sa mga napatay na suspek ang apat na sachet ng shabu na nagkakahalaga P12,000, mga drug paraphernalia, tatlong shotgun, isang kalibre .38 na baril at isang granada. 

Nasa drug watchlist ang mga suspek at sangkot din umano sa iba pang kaso. 

DZMM TeleRadyo, 7 Nobyembre 2016