PatrolPH

Ilang lugar sa Zamboanga City binaha

ABS-CBN News

Posted at Nov 06 2021 12:53 AM

ZAMBOANGA - Nakaranas ng mataas na baha ang ilang barangay sa Zamboanga City dahil sa malakas na buhos ng ulan, Biyernes ng hapon. 

Sa video na kuha ni Vhanz Pakanna Sajili, nagmistulang ilog ang Fatima Subdivision sa Brgy. San Roque dahil sa malakas na daloy ng tubig baha. 

 

Tumaas rin ang tubig sa iba pang barangay kagaya sa Lower Cabatangan at Sinunuc. 

Wala namang naiulat na may lumikas dahil sa pagbaha. 

— Ulat ni Leizel Lacastesantos

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.