Presyo ng baboy bumaba; manok, tumaas sa Quinta Market

ABS-CBN News

Posted at Nov 06 2019 12:16 PM

Bumaba ang presyo ng baboy habang tumaas ang presyo ng manok at ng piling mga gulay sa Quinta Market. 

Ayon sa ilang nagtitinda, ito ay dahil matumal ang kanilang benta sa baboy sa ngayon, sa gitna ng pangamba sa pagkalat ng African swine fever. 

• Laman→ P200/kilo (dating P210/kilo)
• Liempo→ P220/kilo (dating P230/kilo)
• Porkchop→ P200/kilo (dating P210/kilo)
• Pigue → P220/kilo (dating P230/kilo)

Tumaas naman ang presyo ng ribs na nasa P180 mula P170 kada kilo. 

Nasa P170 kada kilo naman ang presyo ngayon ng manok mula P160. 

Bumaba naman ang presyo ng mga sumusunod na gulay:

• Repolyo→ P80/kilo (dating P100/kilo)
• Pechay Baguio→ P60/kilo (dating P110/kilo)
• Sayote→ P35/kilo (dating P40/kilo)

Tumaas naman ang presyo ng carrots, na nasa P90 kada kilo mula P80, at ng siling labuyo na nasa P400 kada kilo mula P350. 

-- Ulat ni Tina Marasigan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.