'Manyak' sa Sampaloc underpass kalaboso

ABS-CBN News

Posted at Nov 06 2019 08:44 AM

MANILA — Inaresto ang isang teenager na nanghihipo umano ng mga babae sa underpass sa Barangay 464 sa Sampaloc, Maynila matapos muling mambiktima ng estudyante nitong Martes. 

Sa kuha ng CCTV, makikitang hinarang ng 19-anyos na suspek ang kasalubong na estudyante bago ito sinundan, hinipuan sa maselang bahagi ng katawan at tumakbo palayo. 

Nagsumbong ang dalaga sa barangay, dahilan para agad na mahuli ang suspek at mapag-alaman na marami na itong nabiktima sa naturang underpass.

Inamin naman ng suspek na "trip" lang niya ang manghipo.

Desidido ang biktima na kasuhan ang suspek upang hindi maulit ang masamang gawain nito. 

Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.