PatrolPH

Dayuhan nakuhanan ng droga, baril sa QC

ABS-CBN News

Posted at Nov 06 2019 05:06 AM

MAYNILA—Arestado ang isang Indian national sa buy-bust operation sa Barangay Holy Spirit, Quezon City Martes ng gabi.

Ayon sa Eastwood Police Station, nangyari ang transaksiyon sa bahay ng dayuhan kung saan nakabili ang nagpanggap na buyer ng P1,500 halaga ng droga.

Nasamsam sa suspek ang mahigit 18 gramo ng umano'y shabu na may halagang P122,000, 2 kalibre .38 na baril, at mga bala.

Hinuli rin ang kasamahang Pinoy ng suspek.

Giit ng dayuhan, hindi niya pagmamay-ari ang mga nakumpiskang droga.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.