8 patay sa salpukan ng bus, van sa CamSur

ABS-CBN News

Posted at Nov 06 2019 11:30 PM | Updated as of Nov 07 2019 07:53 PM

Walong tao ang patay at 11 ang nasugatan matapos sumalpok ang isang pampasaherong bus sa kasalubong na van sa Camarines Sur noong gabi ng Miyerkoles.

Dead on the spot ang driver ng van at 7 nitong pasahero nang mabangga ang bus na pa-Maynila sa Maharlika Highway sa bayan ng Pamplona.

Watch more in iWant or TFC.tv

May iniwasang tricycle na walang ilaw ang bus driver kaya nabangga ang van, ayon sa sumukong bus driver at isa niyang pasahero.

Anim sa mga pasahero ng van ang dinala sa ospital, gayon din ang tatlong sakay ng tricycle at driver nito, at isang pasahero ng bus.

Nahaharap ang bus driver sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, serious physical injuries and damage to properties.

-- Ulat nina Mylce Mella at Rizza Mostar, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.