2 estudyante nagbalik ng naiwang P50,000 sa Baguio City

ABS-CBN News

Posted at Nov 06 2019 07:34 PM

Bayani ang turing sa dalawang estudyanteng nagbalik ng pitakang naglalaman ng aabot sa P50,000. Screengrab

BAGUIO CITY - Dalawang estudyante mula Baguio City National High School ang nagbalik ng isang pitakang naglalaman ng aabot sa P50,000. 

Ayon sa mga estudyante na sina Jake Vargas at Ziprene Anne Buteng, lumabas lang sila ng eskuwelahan para bumili ng meryenda nang makita ang pouch na nasa loob ng isang basurahan sa Burnham Park. 

Marami raw itong laman kaya niya ito agad tiningnan. 

"Lalabas po sana kami para bumili ng meryenda namin tapos pagkabasura ko may nakita kaming pouch tapos parang busog na busog po kasi 'yung pouch pinulot [ng kasama ko] tapos binuksan niya," kuwento ni Vargas. 

Agad nila itong ibinigay sa Tourist Police Unit ng Baguio, na nagpost tungkol sa nawawalang wallet sa kanilang Facebook page. 

Kalauna'y nabalik ang pera sa may-ari, na isang negosyante sa Baguio City. 

Sinabi ng negosyante na gagamitin niya ang pera talaga para sa kaniyang negosyo. 

Sa galak ng may-ari ng pera, binigyan daw niya ng maagang pamasko ang dalawang estudyante 

Planong parangalan ng lokal na pamahalaan ng Baguio ang dalawang estudyante. -- Ulat ni Michelle Soriano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.