PatrolPH

Sanggol na 'inabandona' ng ina sa sariling bahay nasagip ng awtoridad

ABS-CBN News

Posted at Nov 06 2018 01:56 PM | Updated as of Aug 04 2019 12:36 PM

Watch more on iWantTFC

Sinagip ng awtoridad ang isang 8 buwan na sanggol nang iwanan ito umano ng kaniyang ina sa loob ng sariling bahay sa barangay San Juan, Molo, Iloilo City. 

Ayon sa barangay kapitan na si Steve Requillo, natagpuan ang bata noong Biyernes sa loob na may hawak pang bote ng gatas at may diaper rashes. Dumudugo pa umano ang tenga ng sanggol kaya agad nila itong isinugod sa ospital. 

Noong Linggo binalikan ng mga pulis ang ina, 2 araw matapos matagpuan ng awtoridad ang bata, nang makatanggap ng ulat na bumalik na ito. 

Pinaniniwalaang nagkaroon ng nervous breakdown ang ina, na aminadong iniwanan ang sanggol dahil hindi kayang palakihin ang anak.

"Ang nanay, i-assess anay namon kung capable siya. Daw under pa siya sa mga trauma or mga circumstances nga ginatawag nga waay pa siya desisyon sa kung ano ang himuon sa bata,” ayon kay Carmela Trabasas, Social Welfare Officer 1 sa distrito. 

(Si nanay, titingnan muna natin kung capable siya. Parang na trauma siya o may tinatawag tayong wala pa siyang kakayahang mag-desisyon para sa bata.) 

Pagdedesisyunan pa kung ibabalik ang sanggol sa kaniyang ina o ipapaubaya ito sa City Social Welfare Office. 

-- Ulat ni Joyce Clavecillas, ABS-CBN News 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.